Pamasahe sa mga Pampublikong Transportasyon, Bahagyang Tumaas- LTFRB Region 2

Cauayan City, Isabela- Aminado ang pamunuan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Region 2 na may pagtaas ng kaunti sa pamasahe sa mga pampublikong transportasyon sa kabila ng krisis dahil sa pandemya.

Ito ang kinumpirma ni Regional Director Edward Cabase sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA) Region 2.

Ayon sa opisyal, anumang araw ay magpapalabas din ang kanilang tanggapan ng bagong fare rate subalit tiniyak nito na wala dapat ikabahala ang publiko dahil sakto lang ang naidagdag sa normal na pasahe.


Sinabi pa niya, pagkabawas sa mga pasahero ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng pasahe dahil pa rin sa nararanasang sitwasyon laban sa covid-19.

Giit pa nito, mananatili ang sitwasyon sa sector ng transportasyon kung hindi magiging normal ang nararanasan dahil sa virus.

Samantala, nakaproseso na ang listahan ng mga pangalan na apektadong drayber ng pampublikong transportasyon para sa pagtanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Facebook Comments