PAMASKO | Catriona Gray, namahagi ng regalo sa mga bata

Pagkatapos masungkit ang korona bilang Miss Universe 2018.

Balik bansa si Catriona Gray upang mamahagi ng regalo sa mga batang kapos palad.

Sa isang charity event kanina sa BGC, Taguig sinabi ng bagong tanghal na Miss Universe ang kahalagahan ng pamamahagi ng biyaya maliit man o malaki.


Malapit sa puso ni Catriona ang mga bata kung kaya at pinili nito ang gift giving.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam si Catriona kanina dahil ayon sa organizer ng event, hindi homecoming bagkus gift giving ang pinakasentro ng aktibidad.

Sa maiksi nitong speech, sinabi ni Gray na masaya siya dahil naiuwi niya ang korona at nagpasalamat din ito sa lahat ng Pilipinong sumuporta sa kanya sa Miss Universe.

Agad namang dumeretso si Catriona sa isang orphanages sa Quezon City para mamahagi din ng regalo sa mga bata bilang pamasko.

Facebook Comments