TINUTULAN | Pahayag ni Andaya na pumayag si PRRD na huwag buwagin ang Road Board, kinontra

Manila, Philippines – Pinanindigan ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang kanyang pahayag na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang Road Board na nangangalaga sa road users tax.

Ito ang sinabi ni Diokno sa harap na rin ng naging pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya kahapon na nakausap nila si Pangulong Duterte at pumayag aniya ito na gamitin ang paglalabas ng road users tax at huwag buwagin ang Road Board.

Ayon kay Diokno, noog Biyernes lang niya nakausap si Pangulong Duterte at gusto talaga nitong buwagin ang Road Board na gusto ding mangyari ng mga senador.


Sinabi pa ni Diokno na iniutos din ni Pangulog Duterte sa kanya na huwag ilabas ang pondo ng road users tax hanggang hindi nareresolba ang issue sa Road Board.

Facebook Comments