CAUAYAN CITY- Pinamahagian ng Pamaskong Handog mula sa Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang mga residente sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.
Matatandaang nagsimulang lumarga ang pamamahagi ng noche buena packs sa mga pamilya sa Lungsod ng Cauayan noong ika-27 ng Nobyembre.
Base sa mensaheng ipinahayag ni City Mayor Caesar Jaycee Dy Jr., bawat pamilya ay makakatanggap ng noche buena package na naglalaman ng spaghetti at macaroni.
Aniya, bukod sa ipapamahaging noche buena packs ay magkakaroon muli ng pamamahagi ng mga pamasko sa mga Cauayeño sa pamamagitan ng isang raffle draw sa ilalim ng programang Pamaskong Handog ng Team Caesar “Jaycee” Dy na gaganapin sa ika-21 ng Disyembre.
Dagdag pa niya, mayroon ding ipapamahagi na pamasko ang Office of the Senior Citizen Affairs sa mga lolo at lola sa Lungsod.
Kaugnay nito, nagtungo at bumisita rin sa Brgy. District 1 ang grupo ni Congressman Camille Villar kung saan namahagi ang mga ito ng mga appliances.