PAMASKONG HANDOG | Pagpipintura ng mga housing units, isinasagawa sa Mandaluyong

23

Mandaluyong City – Higit tatlong daang units ng pabahay ng city government ang sabay-sabay na pininturahan ng pamahalaan lunsod ng Mandaluyong sa ilalim ng tinatawag nilang “Sabado Pintura Day.”

Ginaganap ito ngayon sa mga kabahayan sa Martinez Street sa Barangay Addition Hills ng lungsod kasama na rin ang mga kabahayan ng informal settlers sa lugar.

Ang aktibidad ay katuwang na isinakatuparan ng mga residente, city officials at department offices na pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos.

Bahagi na rin ito ng pamaskong handog sa mga residente sa tulong ng dalawang paint manufacturing company. Nilinaw ng alkalde na walang ginastos dito ang pamahalaang lokal.

Ang kinatitirikan ng mga row houses ay dating lugar ng mga residente na nasunog noong taong 2016.

Facebook Comments