Naghahanda na ang Government Service Insurance System (GSIS) nang pabahay para sa kanilang mga miyembro.
Ito ang ibinida sa Laging Handa public briefing ni Ginoong Arnulfo “Wick” Veloso, Pangulo at General Manager ng GSIS.
Ayon kay Veloso, sa pamamagitan nito mabibigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng GSIS na maka-avail ng condominium unit na may lawak na 40 square meters na babayaran nila ng P12,000 at walang downpayment.
Sa tatlong gusali aniya ay mayroong 600 units na ira-raffle naman para sa mga government employees.
Dagdag pa ng opisyal, titiyakin nila na ang mga kawani ng gobyerno ay magkakaroon ng dignidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng matatawag nilang sariling bahay.
Facebook Comments