Panunumpa ni Gonzales, suportado ni GMA

Nanumpa ngayong araw bilang bagong Senior Deputy Speaker ng Kamara si Pampanga 3rd District Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr., at nagpakita ng buong suporta sa kanya ang dating may hawak ng naturang posisyon na si dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Magugunitang nitong Miyerkules, May 17 ay pinalitan si Arroyo sa naturang pwesto dahil umano sa impormasyon ng tangkang pagpapatalsik kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mariin namang itinanggi ni Arroyo.

Kasama ni Gonzales sa kanyang panunumpa ang buong pamilya at si Congresswoman Arroyo na inakay pa ni Speaker Romualdez at ipinwesto sa gitna nila ni Gonzales.


Sa naturang tagpo ay nagpalakpakan ang mga mambabatas na dumadalo sa sessyon.

Bago ito ay magkasabay rin na lumapit at nagmano kay Arroyo sina Romualdez at Gonzales.

Facebook Comments