MANILA – Nasa gitna ngayon ng krisis ang Philippine National Police (PNP).Ito ang inamin ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueño sa kanyang talumpati sa ika-26 na taong anibersaryo ng pagkakatatag sa PNP.Aniya, kasunod na rin ito kaso ng pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo kung saan suspek ang mga pulis.Kaugnay nito, pinayuhan ni Sueño ang mga pulis na tularan ang tinaguriang SAF 44 na nagbuwis ng buhay sa gitna ng pumalyang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.Samantala, matapos ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng anti-illegal drugs operation ng PNP, abala ngayon ang kapulisan sa kanilang anti-criminality campaign sa bansa.Ibig sabihin, ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa – tututukan ng PNP ang mga kasong tulad ng murder, homicide, theft, robbery, physical injuries, carnapping at rape.Pinabulaaan naman ng Chief PNP ang mga batikos na palabas o pang-tv lang ang ginagawa niyang reporma sa PNP gaya ng pagmumura sa pitong pulis-Angeles na dawit sa pagdukot at pangingikil sa tatlong Koreano.
Pambansang Pulisya, Nasa Krisis Ayon Kay Dilg Secretary Mike Sueno
Facebook Comments