Aminado ang non-profit research group na Ibon Foundation na malaki ang epekto ng pagbagsak ng approval rating ng Duterte administation sa mga magiging pambato nila sa 2022 election.
Batay sa Pulse Asia survey na inilabas kahapon, 12 porsyento ang ibinabang grado ng admistrasyon sa paglaban sa korapsyon habang 6% ang ibinaba sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at pagtaas sa sahod ng mga manggagawa.
Ayon kay Ibon Foundation Executive Dir. Sonny Africa, ramdam na sa mga survey ang pulso ng taong bayan sa performance ng Duterte administration.
Dahil dito, posibleng nababahala na ang administrasyon kaya isa rin ito sa mga dahilan kaya nagretiro na sa politika si Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang isinisisi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang imbestigasyon ng Senado sa COVID-19 response kaya bumaba ang approval rating ng pamahalaan.