Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan, mula sa mahigit kumulang tatlumpong KKDAT members mula sa iba’t-ibang City at Provincial Police Stations sa rehiyon na lumahok sa nasabing aktibidad ay nakuha ng pambato ng Cauayan City ang titulong Mr. KKDAT 2022 na si Joshua Guzman, 21 taong gulang, 4th Year Criminology Student sa ISU Cauayan at residente ng brgy. San Luis.
Habang nakuha rin ng Lungsod ng Cauayan ang 1st Runner Up sa Search for Miss KKDAT 2022 na si Angeline Leplana, 20 taong gulang, 4th year working student na nag-aaral sa isang pribadong paaralan dito sa Lungsod at residente naman ng brgy. Alicaocao.
Inihayag ni PLT Topinio na may mga naging basehan ang mga judges sa pagpili sa mga nabigyan ng parangal tulad ng kanilang mga adbokasiya at kung ano ang kanilang pananaw sa mga isyu na nangyayari sa bansa.
Ayon kay PLT Topinio, ang naturang programa ay layong mapatibay ang ugnayan ng mga kapulisan at mga kabataan para mapaigting pa lalo ang kampanya laban sa iligal na droga at terorismo at maimulat din ang kamalayan ng mga kabataan at maging boses sila ng iba pang mga kabataan hinggil sa ipinagbabawal na gamot at sa terorismo.
Ang naganap na 2-Day Regional KKDAT Summit ay pinangunahan ni PCOL RAMIL L SACULLES, Deputy Regional Director for Operations sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN STEVE B LUDAN, Regional Director ng PRO2 kasama ang ilang matataas na opisyal ng PRO2 at mga Provincial Director ng Police Provincial Offices sa rehiyon, mga KKDAT Ambassadors, National KKDAT Spokesperson na si Mr. Franz Lim Arabia; at National KKDAT Adviser na si Ms. Cecilia D. Noble.