Binata, Patay matapos Bumangga sa Nakaparadang Elf-Truck

18
Cauayan City, Isabela- Patay ang isang binata matapos magsariling naaksidente sa kahabaan ng Quezon St., Brgy District 1, Cauayan City, Isabela pasado alas tres kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na drayber ng motorsiklo na walang plaka na si Jose Garcia, 29 na taong gulang, at residente ng brgy. Cabaruan, Cauayan City.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, bumabaybay ang biktima sa nasabing lansangan nang biglang sumalpok sa nakaparadang elf truck na may plakang TMB 697 na nasa right shoulder lane partikular sa harap ng isang Hypermart Junior.

Dahil sa lakas ng impak ng pagkabangga ng biktima ay nagtamo ito ng malalang sugat sa katawan at ulo na agad namang dinala ng mga rumespondeng tauhan ng Rescue 922 sa pagamutan.

Nang madala sa ospital ang biktima ay idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.

Ayon sa imbestigador ng pulisya, walang suot na helmet at mabilis ang patakbo ng biktima at nasa impluwensya pa ito ng alak nang siya’y magmaneho.



Samantala, pinag-uusapan pa ng pamilya ng biktima at sa may-ari ng elf truck na si Romeo Madriaga, 41 taong gulang, negosyante, residente ng Brgy Daburab, Cauayan City kung itutuloy ang pagsasampa ng kaso pero nangako naman ang may-ari ng elf truck na magbibigay ito ng tulong sa mga gastos ng nasawing biktima.
tgas: Self-accident, PNP Cauayan, Luzon

Facebook Comments