PAMBATO NG PANGASINAN SA MS. QUEEN OF HEARTS PHILIPPINES, UMANI NA NG PARANGAL KAHIT HINDI PA TAPOS ANG PAGEANT

25

Umani na malalaking parangal ang pambato ng Pangasinan sa Ms. Queen of Hearts Philippines.

Si Ms. Kathie Lee Berco, 20 mula sa Capital of Hundred Islands National Park Alaminos City ang kinatawan ng Pangasinan sa isang prestihiyosong national pageant na Ms. Queen of Hearts sa bansa.


Sa ngayon kahit hindi pa tapos ang pageant ay umani na umano ang naturang kandidata ng mga major awards gaya ng Best in Talent at Best in National Costume, kasama din ni Ms. Pangasinan sa pagkakapanalo sa Best in Natcos na si Ms. Maerylle ng Abuyog, Leyte.

Malaki ang tsansa umano ni Ms. Kathie Lee dahil isa siya mga favorite ng crowds at netizens online. Samantala, sa June 11, 2021 iaanunsyo ang mga pasok sa Top 10 ng naturang Pageant at kung sinuman sa kanila ang mapipili ay babiyahe na ang lahat ng pasok na kandidata para sa finale o Coronation Night sa paparating na June 27, 2021 sa Bonifacio Civic Center sa Taguig City.

Pak! Ang ganda, Congratulations and Good Luck, irampa ang bandera Pangasinan. Lavarn!

Facebook Comments