MARIAN RIVERA, TIME-OUT MUNA SA SOCIAL MEDIA

29

Inactive ngayon sa social media ang aktres na si Marian Rivera.

Ito ay bunsod ng kapansin-pansing kawalan ng posts nito lately sa kanyang Instagram account na may almost 11M followers.


Huling post daw kasi ng Marimar lead star ay noong May 19 pa. Sa ngayon ay hinahanap siya ng fans dahil sa re-airing ng hit teleserye nila ng noo’y ka-loveteam lamang, now husband na si Dingdong Dantes sa kanilang network.

Sa hindi pa malamang dahilan ay pahinga nga muna sa socmed ang aktres ngunit naniniwala ang DongYan fans na may pasabog ito sa kanyang #comeback.

Facebook Comments