Pambato ng Pilipinas na si Elizabeth Clenci, tinanghal na 2nd runner ng Miss Grand International

Showbiz – Itinanghal na 2nd runner ng Miss Grand International ang pambato ng Pilipinas na si Elizabeth Clenci.
Naganap ang koronasyon ng pageant sa Phu Quoc Island sa Vietnam kagabi.
Sa kanyang sagot sa Q and A ay iginiit ng beauty queen ang kahalagahan ng pagmamahal, edukasyon at pag-unawa upang makamit ang kapayapaan.
Itinanghal naman na Miss Grand International si Maria Jose Lora ng Peru na sinundan ng Venezuelan na si Tulia Aleman Ferrer bilang 1st runner up kung saan kabilang din sa top 5 sina Miss Puerto Rico at Miss Czech Republic.
Bago pa man ianunsyo ang top 5 ay namigay ng special awards sa mga kandidata kung saan nakuha ni Miss China ang best in evening gown; miss paradise cave heritage award kay Miss Thailand; at best in social media naman si Miss Paraguay.

Facebook Comments