Meralco Bolts, naitabla ang serye sa 3-3 sa championship series kontra Ginebra sa PBA Governors Cup

Sports – Nai-pwersa ng Meralco Bolts sa game 7 ang kanilang finals series kontra Barangay Ginebra sa PBA Governors Cup.
Naitabla ng bolts sa 3-3 ang serye sa score na 98-91 kung saan nanguna sa panalo si Allen Durham na may 28-points at 19-rebounds.
Ikinatuwa ni Coach Norman Black ang panalo at umaasang masusungkit nila ang kampeonato habang dismayado naman si Coach Tim Cone sa performance ng Gin Kings.
Sa nasabing laban, nagtala ng panibagong record sa kasaysayan ang game 6 ng Meralco at Ginebra, dahil sa dami ng bilang ng mga nanood sa Philippine Arena na umabot sa 53,642.
Nahigitan nito ang attendance na 52,612 sa 2014 opening season ng PBA kung saan ipinakilala ang mga bagong team na Blackwater at Kia at ang laban ng Ginebra at TNT sa main game.

Facebook Comments