Pambato ng Pilipinas na si Karen Ibasco, kinoronahan bilang Miss Earth 2017

Manila, Philippines – Wagi bilang 2017 Miss Earth si Miss Philippines Karen Ibasco sa ginanap na coronation night sa Mall of Asia Arena, Pasay City kagabi.

Ipinasa sa kanya ang korona ni 2016 Miss Earth Katherine Espin ng Ecuador.

Nagpanalo umano kay Karen ang naging sagot nito sa question and answer portion kung saan tinanong siya kung sino sa palagay nila ang pinakamalaking kalaban ng inang kalikasan.


Sagot ng beauty queen, hindi climate change ang problema kundi ang tayo ring mga tao.

Tinanghal naman bilang Miss Earth Water si Juliana Franco ng Colombia, Miss Earth Fire si Lada Akimova ng Russia at Miss Earth Air si Nina Robertson ng Australia.

Facebook Comments