Pambato ng Pilipinas na si Mariel de Leon, bigong masungkit ang Miss International crown

185

Showbiz – Bigong masungkit ng pambato ng Pilipinas na si Mariel de Leon ang Miss International crown.

Hindi na nakapasok sa top 15 ng pageant si de Leon.

Dalawang beses na sumali sa Binibining Pilipinas si de Leon bago nabigyan ng oportunidad na i-represent ang Pilipinas sa Miss International.

Samantala, nagpapatuloy pa ang pageant sa Japan kung saan pasok sa top 8 sina Miss Curacao, Venezuela, Japan, Ecuador, Indonesia, Laos, United Kingdom at Australia.

Ang korona ay ipapasa ni reigning Miss International 2016 Kylie Verzosa na isa ring Pinay beauty queen.

Facebook Comments