PAMBATO NG PILIPINAS NA TUBONG ILAGAN CITY, GOLD MEDALIST SA AUSTRALASIA HANDGUN CHAMPIONSHIP

CAUAYAN CITY – Muling nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas ang Ilagueño na sumabak sa katatapos lamang na handgun championship sa bansang Indonesia.

Siya ay si Aeron Lanuza na tubong Barangay Naguilian Norte, sa nabanggit na lungsod.

Ang kompetisyon ay ginanap sa Bali, Indonesia noong Agosto 20 hanggang Setyembre 01, 2024 na dinaluhan ng higit 600 competitors mula sa higit 40 bansa.


Sa kabuuan, ang koponan ng Pilipinas ay nakapag-uwi ng 80 medalya kung saan 41 sa mga ito ay Gold, 21 ang silver, at 23 bronze.

Magugunita na una na ring nakilala si Lanuza taong 2022 matapos itong tanghalin bilang kampeon sa World Handgun Championship sa Pattaya, Thailand.

Facebook Comments