Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist, nagsimula na silang mag-ikot sa mga barangay ng lungsod kasabay ng pagsasagawa ng technical briefing sa mga magsasaka tungkol sa pest and diseases management sa iba’t ibang klase ng pananim.
Samantala, wala pa aniyang naiuulat sa kanilang tanggapan na pamemeste naman ng rice black bug sa mga pananim na palay sa siyudad.
Pero tiniyak ni Alonzo na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring para masigurong hindi nakakaapekto ang naturang peste.
Bilang paghahanda, sa pamamagitan ng ‘light trap’ ay unti-unting mahuhuli ang mapaminsalang peste sa palayan na layong matulungan ang mga magsasaka sa kanilang mga pananim.
Hinimok naman ni Alonzo ang mga magsasaka na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang impormasyon may kaugnayan ng pamemeste sa pananim.