120 pamilya, apektado ng pananalasa ng Bagyong Kiko ayon sa NDRRMC

Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ng 120 pamilya o katumbas ng 415 indibidwal ang apektado ngayon ng pananalasa ng Bagyong Kiko sa Region 2.

Batay pa sa update ng NDRRMC, 103 sa mga pamilyang apektado ay nananatili ngayon sa walong evacuation centers, habang 17 na pamilya ay nakitira sa kanilang mga kaanak.

Habang 29 na klase at pasok sa trabaho ang sinuspinde na sa Region 2.


Nabatid ding may isang kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) at isang tulay sa Region 2 ang pansamantalang hindi muna madaanan dahil sa sama ng panahon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na direktang apektado ng Bagyong Kiko sa pamamagitan ng kanilang Regional DRRMC.

Facebook Comments