Pamilya at kaibigan ni Mary Jane Veloso, nagtungo sa Mendiola para ilapit kay Pangulong Marcos Jr., ang panawagan hinggil sa paglaya nito

 

Nagtungo sa Mendiola sa Lungsod ng Maynila ang pamilya at kaibigan ni Mary Jane Veloso.

Kasama ang grupong Migrante International, kanilang ipinawagan ang paglaya ni Veloso na kasalukuyan pa rin nakakulong sa Indonesia.

Sa pahayag ng nanay ni Mary Jane na si Celia Veloso, hiling nila na makalaya na ang anak na nagdiriwang ng kaarawan ngayong araw.


Aniya, siguraduhin sana ni Pangulong Bongbong Marcos na iaapela ang paglaya ng anak habang nasa bansa si Indonesian President Joko Widodo lalo na’t ito ang naging pahayag ng pangulo.

Muling iginiit ng pamilya na biktima ng illegal recruitment at human trafficking si Mary Jane.

Umaasa rin sila na makausap ng personal si Pangulong Marcos upang malaman niya ang paghihirap na dinaranas ni Mary Jane na 13-taon ng nakakulong gayundin ang dinaranas ng kaniyang mga anak.

Facebook Comments