Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah, naglabas ng statement hinggil sa Pinoy organizations na gumagamit ng kanilang logo

Nilinaw ng Philippine Consulate General sa Jeddah hindi konektado sa konsulada ang Filipino organizations na gumagamit ng kanilang logo.

Ayon sa embahada, hindi rin nila inindorso ang Filipino groups sa Saudi Arabia o sa alin mang Western Region ng Saudi Arabia na gumagamit ng kanilang logo.

Hindi rin anila nila pinahihintulutan ang paggamit ng Pinoy organizations ng larawan ng mga opisyal ng konsulada.


Ito ay bagama’t kinikilala ng Philippine Consulate ang existence ng iba’t ibang Filcom organizations sa mga lugar na sakop ng konsulada.

Bukod dito, kinikilala rin anila nila ang aktibong pagpaparehistro sa Philippine Consulate ng Filipino organizations doon.

Facebook Comments