Manila, Philippines – Umaapela ang pamilya Castillo sa Aegis Juris Fraternity na isuko ang mga nakapatay kay Horacio “Atio” Castillo III.
Ito ay upang maresolba at mabigyang hustisya ang pagkamatay ng freshman law student na namatay dahil sa hazing.
Ayon sa abogado ng pamilya Castillo na si Atty. Adelfa Villar, hindi dapat kunsintehin ng nasabing fraternity ang mga salarin sa pagpatay kay Atio.
Lubos na makakasira lamang aniya ito sa reputasyon ng fraternity na kilala sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Umaapela din aniya sila sa kung sino man ang may alam sa nangyaring brutal na pagpaslang kay Atio na makipagtulungan sa mga otoridad.
Kasunod nito nagpapasalamat ang pamilya Castillo sa mga nakikiramay sa pagkawala ng mahal nila sa buhay.
Umaasa ang pamilya ng makakamit nila ang hustisya sa lalong madaling panahon.