Pamilya Duterte, iginiit na hindi tatanggap ng donasyon sa gastusin sa ICC case ng dating Pangulong Duterte

Iginiit ni Vice President Sara Duterte hindi sila tatanggap ng donasyon para sa kaso ng dating Pangulong Duterte.

Sa kanyang pagharap sa media at sa supporters sa The Hague, The Netherlands, inihayag ni VP Sara na napag-usapan nilang magkakapatid na hindi sila tatanggap ng donasyon at hindi sila manghihingi ng tulong para sa kaso ng kanilang ama.

Aniya, kung kinakailangan nilang magbenta ng mga gamit ay gagawin nila para makalikom ng pantustos sa kaso ng dating pangulo.


Nilinaw din ni VP Sara na kanya-kanya silang gastos magkakapatid sa kanilang biyahe sa The Netherlands.

Pag-uwi niya aniya sa Pilipinas at ng mag-inang Honeylet at Kitty Duterte, si Cong. Paulo Duterte muna ang papalit sa kanila.

Habang sa Mayo naman ay si Davao City Mayor Sebastian Duterte naman ang tutungo ng The Netherlands.

Iginiit ni VP Sara na kailangang may miyembro ng pamilya na maiiwan sa The Hague para may makausap ang dating Pangulong Duterte at para may nakakapagbigay ng updates sa nangyayari sa labas ng International Criminal Court (ICC), at kung ano ang mga nangyayari sa Pilipinas.

Facebook Comments