Pamilya Espinosa sa Cebu, nasaktan sa pagka-reinstate ni Supt. Marvin Marcos sa serbisyo

Leyte – Labis na ikinalungkot sa mga kamag-anak ng pinatay na mayor sa Albuera, Leyte Rolando Espinosa Sr. ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte para ibalik sa serbisyo si Supt. Marvin Marcos ng CIDG region-8.

Ayon sa tyahin ni Kerwin Espinosa, anak ng yumanong albuera Mayor, na si Emma Espinosa na napakasakit para sa kanila lalo na sa mga anak ng yumaong mayor, ang reinstatement ni Marcos.

Sinabi nito malinaw ang anggolo sa pagkamatay ni mayor espinosa basi sa imbestigasyun at sirkumstanya ng pangyayari.


Ngunit ayon kay Emma na ipinaubaya nalang ng pamilyang Espinosa sa panginoon kung ano man ang hakbang ng gobyerno laban sa mga suspek sa pagpatay ng dating mayor ng Albuera, Leyte.

 

Facebook Comments