PNP Caraga napili bilang contender sa search for best Regional Police Strategy Management Unit (RPSMU) nationwide

Napili bilang contender sa search for best Regional Police Strategy Management Unit (RPSMU) nationwide ang Police Regional Office 13 Caraga.

Ayon kay PNP Caraga Regional Director PCSupt. Rolando Felix, sa Mindanao tanging ang PNP Caraga Police Regional Headquarters lamang ang napili sa national headquarters habang ang Police Regional Office 4A naman sa Luzon at Police Regional Office 6 sa Visayas.

Kamakailan lang dumating sa Camp Rafael Rodriguez, Libertad syudad ng Butuan ang isang team na galing PNP national headquarters sa pangunguna ni PSSupt. Victor Arevalo, Deputy Director ng Center for Police Strategy Management, para magsagawa ng assessment at field validation.


Sinasabing sa buwan ng Agusto 2017, kasabay ng selebrasyon ng 116th Police Service Anniversary sa Kampo Crame malalaman na kung sino ang maitanghal na Best RPSMU sa buong bansa.

tags;RMN Network, DXBC 693, Straight to the Point, Sasie Babar, PNP

Facebook Comments