Pamilya, kaibigan at kasamahan sa trabaho, dumalaw sa mga nakaditineng opisyal ng BuCor sa senado

Simula kahapon ay nakaditine sa Senado sina Bureau of Corrections Legal Division Chief Atty. Frederick Anthony Santos, BuCor documents and records division head Ramoncito Roque at Dr. Ursicio Cenas, medical officer ng New Bilibid Prison Hospital.

Ngayong araw ay sunod-sunod ang dumadalaw kina Santos at Roque.

Ang misis at mga anak ni Roque ay nagdala pa ng pagkain.


Dumating din ang mga kapatid at kaibigan ni Atty. Santos at mga lalaking opisyal ng NBP.

Si Roque ay inaakusahang nakihati sa 50-thousand pesos na suhol para maagang makalaya batay sa Good Conduct Time Allowance o GCTA ang isang preso pero itinanggi niya ito.

Si Santos naman ang nagpayo kay dating BuCor Chief Nicanor Faeldon na kwalipikado si dating Mayor Antonio Sanchez na makalaya sa ilalim ng GCTA law.

Magugunitang sinabi rin ni Senator Panfilo Ping Lacson na nakiki-jamming si Santos sa mga drug lords sa bilibid pero pinabulaanan niya ito.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, posibleng abutin ng isang linggo ang tatlo sa detention facility ng senado hangga’t hindi makukuntento ang mga senador sa kanilang testimonya sa susunod na pagdinig ukol sa mga anomalya sa bilibid at BuCor na nakatakda sa September 19.

Facebook Comments