Pamilya Mabilog, dismayado matapos tawaging ‘most shabulized city’ ang Iloilo

Manila, Philippines – Dismayado ang pamilya ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, matapos tawagin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘most shabulized city’ ang lungsod.

Taliwas ito sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa pang-79 na pwesto ang Iloilo province sa dami ng mga barangay na apektado ng ilIgal na droga habang nasa ika-51 pwesto naman ang Iloilo City.

Ayon sa kapatid ng alkalde na si Atty. JV Mabilog – walang aniyang record sa pagkakasangkot sa ilegal na droga ang kanilang pamilya.


Aminado naman ang dating hepe ng Iloilo City PNP na si Sr/Supt. Remus Canieso, na may ilegal na droga pa rin sa kanilang lungsod sa kabila ng kaliwa’t-kanang operasyon.

Sa ngayon, nangunguna pa rin ang mga lungsod sa Metro Manila na laganap ang iligal na droga.

Facebook Comments