Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ginanap na commemoration mass sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City bilang pag-alala sa ika-105 na kaarawan ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Dito ay nagpasalamat si Marcos sa lahat ng dumalo upang alalahanin ang espesyal na araw para sa kanilang pamilya at mga sumusuporta rito.
Maliban sa presidente ay dumalo rin sa espesyal na araw ang ina nito na si dating First Lady Imelda Marcos, iba pang miyembro ng pamilya, iba pang kamag-anak, ilang malalapit na kaibigan, kawani ng Presidential Security Group (PSC) at mga taga-suporta ng Pamilya Marcos.
Pagtapos sa Libingan ng mga Bayani at tumungo kaagad ito sa sa kanilang hometown sa Batac, Ilocos Norte at dito sinabi na mahalaga ang paggunita ng kaarawan ng kanilang ama ngayong taon dahil tila nabuhay muli ang pag-asa sa mga Pilipino na muling magkaisa.
Samantala, pinangunahan naman nina First Lady Liza Araneta-Marcos at Senator Imee Marcos ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng dating pangulo sa naturang bayan.
Mababatid na idineklara ng Palasyo ng Malakanyang na holiday ang September 12 sa lalawigan ng Ilocos Norte bilang paggunita sa kaarawan ng dating pangulo.