Senior high school program para sa mga preso, inilunsad ng Manila City Jail

63

Ikinasa ng Manila City Jail ang kauna-unahan nitong Senior High School program para sa mga detainees nito.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – Manila, layon nitong bigyan ng pagkakataon ang mga preso na maipagpatuloy na ang kanilang pag-aaral habang pinagsisilbihan ang kanilang sintensya.

Tintayang nasa 200 detainees ang makikinabang sa naturang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Education at ODB Montessori of Novaliches.


Sa ilalim nito, lalahok ang mga ito sa pamamagitan ng online classes tuwing weekdays habang isasagawa ang face-to-face classes tuwing Sabado.

Facebook Comments