Pamilya Marcos, itinuro ni Vice President Leni Robredo na utak sa impeachment complaint laban sa kanya

Manila, Philippines – Itinuro ni Vice President Leni Robredo ang pamilya Marcos at mga taga-suporta nito na posibleng mastermind ng impeachment case laban sa kanya.

 

Ayon kay Robredo, mahirap kalaban ang mga Marcos dahil hindi matanggap ni dating Senator Bongbong Marcos ang pagkatalo nito sa nakaraang May 2016 elections.

 

Sabi pa ni VP Robredo, nagsimula siyang makatanggap ng mga kritisismo at alegasyon nang matalo niya ang dating senador sa pagka-Bise Presidente.

 

Malinaw aniya na kung hindi Marcos ang kanyang nakalaban ay hindi magiging ganito ito kagulo.

 

Matatandaan na noong Lunes (March 20), isang abogado na may kaugnayan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos ang naghain ng impeachment complaint laban kay Robredo dahil sa pambabatikos sa kampanya ng kasalukuyang administrasyon kontra sa iligal na droga.

 

Habang isa pang grupo na “Impeach Leni Team” ang nakatakdang maghain ng pangalawang impeachment complaint laban kay Robredo kapag bumalik ang sesyon ng konreso sa Mayo.



Facebook Comments