Manila, Philippines – Nakipag-ugnayan na ang pamilya Marcos sa Armed Forces of the Philippines para sa ilalatag na seguridad sa pagdriwang ng ika-isandaang kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Lunes, September 11.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, ang Philippine Army ang magbibigay ng physical security sa Libingan ng mga Bayani
Makatutulong aniya ng Philippine Army sa pagbibigay ng seguridad ang Philippine National Police.
Batay naman sa hiling ng pamilya Marcos, walang media coverage dahil mas gusto nila na maging pribado ang paggunita sa kaarawan ng dating Pangulo.
Hindi rin papayagan ng militar na makalapit sa Libingan ng mga Bayani ang mga raliyista dahil hallow ground ang lugar.
May protocol aniya na susundin ang AFP dahil pribado pagdiriwang ito, ibig sabihin ang pamilya Marcos ang magpapasya kung sino lamang ang papasukin sa event.