Pamilya ng 13-anyos na pinagbabaril sa Pasay, hindi pa rin matanggap ang pagkamatay ng binatilyo

Manila, Philippines – Hindi pa rin matanggap ng pamilya Brondial ang sinapit ng kanilang 13-anyos na anak na si Jayross Brondial na pinagbabaril sa kanilang bahay.

Sa interview ng RMN kay ginang Rossana Brondial, ina ni Jayross – hindi pa rin nila lubos maisip na anak nila ang nakaburol ngayon.

Aniya – naglalaro lamang noong linggo sa labas ng kanilang bahay si Jayross nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.


Hinala ni ginang Rossana – posibleng nadamay lamang ang anak dahil wala naman itong atraso sa lugar.

Nanawagan naman si ginang Rossana – huwag na sanang idamay pa sa kaso ang dalawa nitong anak sa sinapit ni Jayross.

Aniya – napagdusahan na ito ng dalawa niyang anak kung saan nakakulong na sa Bicutan ang isa habang napatay sa Makati ang pangalawa.

Samantala – humingi naman ng tulong pinansyal ang pamilya Brondial para sa pagpapalibing kay Jayross sa Linggo, October 1, 2017.

Facebook Comments