Pamilya ng batikang aktres na si Jaclyn Jose, naniniwalang walang foul play sa pagpanaw nito

Naniniwala at kumbinsido ang pamilya ng batikang aktres na si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck na walang foul play sa pagpanaw nito.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief Col. Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, tumanggi na ang pamilya ng aktres na pag-usapan pa ang detalye ng pagkamatay ni Jaclyn.


Kaugnay nito, nagparating na ng pakikiramay ang PNP sa naulilang pamilya ng aktres.

Si Jaclyn ay pumanaw sa edad na 59.

Kilala si Jaclyn bilang kontrabida sa mga ginampanan nitong pelikula at soap operas, tumanggap na rin ito ng mga parangal tulad ng limang Gawad Urian Awards, dalawang Luna Awards, FAMAS Award at mayroon din itong nominasyon sa Asian Film Awards.

Facebook Comments