Pamilya ng halos 300 pulis nabiktima rin ng pag-buga ng abo ng Bulkang Taal

Kinumpirma ni PNP Officer in Charge Lt General Archie Gamboa na may 278 na pulis na ang pamilya ay nabiktima ng pagbuga ng abo ng Bulkang Taal sa Batangas.

Aniya dahil sa nangyari inalis na muna sa kanilang duty ang mga pulis para personal na maasikaso ang kanilang pamilya.

Tiniyak naman ni Gamboa na mabibigyan ng tulong ang mga pulis na ang pamilya ay apektado ng pagaalburuto ng bulkan.


Makakatanggap aniya ng tig 10,000 ang 278 na mga pulis para kahit papaanoy makatulong sa kanilang pamilya.

Inihayag rin ni Gamboa na umabot na sa 2.5 million pesos ang kanilang nalikom mula sa 10 pesos voluntary contribution mula sa lahat ng miyembro PNP na ibibigay namang tulong sa mga sibilyang apektado ng pagaalburuto ng bulkang taal.

Facebook Comments