Pamilya ng health workers, hindi kasama sa priority ng vaccine rollout – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kasama sa prayoridad na makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ang pamilya ng health workers.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi eligible sa initial rollout ng bakuna ang sinumang kaanak ng health workers.

Muling iginiit ni Vergeire na ang unang prayoridad ng pamahalaan sa immunization ay ang health workers.


“Yung pong mga pamilya ng ating healthcare workers dadating po tayo doon sa punto kung papasok sila doon sa ibang sektor mabibigyan sila or kung hindi kaya, rest of the population,” sabi ni Vergeire.

Pero aminado si Vergeire na ang kasalukuyang supply ng bakuna ay hindi sapat para sa 1.8 million health workers sa bansa.

Ang Sinovac at AstraZeneca ay nangangailangan ng dalawang doses para maabot ang maximum protection mula sa COVID-19.

Facebook Comments