Pamilya ng konsehal na pinatay sa Las Piñas, tikom ang bibig sa kaso

Manila, Philippines – Tumangi munang magbigay ng pahayag ang pamilya ng napaslang na councellor ng Pasay City na si Borbie Rivera.

Sa ginawa nating pagbisita sa kaniyang burol sa Loyola Memorial Homes, Parañaque City, hindi bababa sa dalawampu ang kaniyàng bisita ngayon, na tahimik na nakikidalamhati.

Sa mga guard na nakausap na nagbabantay sa chapel, inaasahan nila na sa gabi pa dadagsa ang mga bisita ni Counsellor Rivera.


Matatandaang tinambangan nga ang counsellor sa driveway ng SM Southmall sa Las Piñas, kung saan nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo at katawan na agad niyang ikinasawi.

Pinag-aaralan ngayon ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa kasong murder na kinaharap nito tatlong taon na ang nakakaraan, kung saan una na rin siyang naabswelto.

At ayon sa Southern Police District, hindi ito ang unang pagkakataon na timabhangan ang konsehal.

Facebook Comments