Pamilya ng mga nasawing persons of interest, no comment sa resulta ng forensic examination ng PNP crime laboratory sa Bulacan Massacre

Manila, Philippines – Tikom pa rin ang bibig ng pamilya ng mga nasawing persons of interest sa inilabas na forensic examination ng Philippine National Police (PNP) crime laboratory kung saan sinasangkot ang kanilang kamag-anak sa pagkamatay ng pamilya ni Dexter Carlos.
Nauna nang iginigiit ng pamilya ng mga nasawing persons of interest na sina Rolando Pacinos, Anthony Garcia at Roosevelt Sorima na walang kinalaman ang mga ito sa karumal-dumal na masaker .
Sa resulta ng eksaminasyon, nagnegatibo ang mga nasawing persons of interest at lumitaw na si Carmelino “Miling” Ibañes ang may kagagawan sa panggagahasa kay Estrella Dizon , asawa ni Dexter Carlos.
Samantala, sinabi naman ni Supt. Frits Macariola, hepe ng San Jose Del Monte Bulacan, nag-negatibo man ang mga persons of interest sa forensic examination ay hindi nangangahulugang na hindi na sila maituturing na mga suspek.

Facebook Comments