Pamilya ng mga sundalong namatay sa chopper crash sa Bukidnon, hindi pababayaan ni Pangulong Duterte

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng mga sundalong namatay sa pagbagsak ng helicopter sa Bukidnon.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Duterte sa mga pamilya ng mga sundalo.

Nangako si Pangulong Duterte na igagawad niya ang Order of Lapu-Lapu sa mga nasawing tropa ng gobyerno.


Aniya, ikinalulungkot niya ang pagkamatay ng mga ito pero tiniyak niya na hindi niya pababayaan ang mga naulilang pamilya.

Aminado rin ang Pangulo na gusto niyang bisitahin ang burol ng mga sundalo pero hindi ito natuloy.

Bago natapos ang meeting kagabi, nag-alay pa ang Pangulo at mga miyembro ng gabinete ng katahimikan para sa mga namatay na sundalo.

Matatandaang bumagsak ang isang UH-1 Huey helicopter sa Bukidnon nitong Sabado kung saan pitong katao ang namatay kabilang ang apat na miyembro ng Philippine Airforce.

Facebook Comments