Pamilya ng Nagbigting Magsasaka, May Agam-agam sa Pagkamatay nito!

133

UPDATE: Cauayan City, Isabela- Hindi kumbinsido ang pamilya ng isang magsasaka na nagpakamatay sa Brgy. San Miguel, Burgos, Isabela sa naging resulta sa imbestigasyon ng pulisya.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Fernando Mallillin, hepe ng PNP Burgos, malaki ang paniniwala ng pamilya ni Mario Heron, 39 anyos na hindi ito nagpakamatay.

Ayon sa pamilya ng biktima at sa mga kaibigan nito, wala naman umanong kaaway ang biktima at wala ring sinasabing problema.

Matatandaan nitong Enero 26, 2020 ng hapon nang makita ng kaanak ng biktima na nakasabit ang katawan nito sa loob ng kanyang kwarto gamit ang lubid ng duyan na itinali sa leeg.

Lumabas sa pagsisiyasat ng SOCO na sinadyang wakasan ng biktima ang kanyang buhay at walang nangyaring foul play subalit hinihiling ngayon ng kaanak ng biktima na isailalim sa autopsy ang bangkay nito.

Dagdag pa ng hepe, negatibo sa anumang iligal na gawain ang biktima na kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan.

Facebook Comments