Pamilya ng nasawing OFW sa Jordan, nakatanggap na ng tulong sa DSWD

Nabigyan na ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya ng nasawing Overseas Filipino Worker (OFW) sa Amman, Jordan.

Ayon sa DSWD, nasa P10,000 ang natanggap na financial aid ng pamilya ni Mary Grace Santos sa Macabebe, Pampanga sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Maliban dito, handang maglaan ang DSWD ng karagdagan pang tulong sa kaanak ni Mary Grace kabilang ang educational support sa naiwan nitong mahal sa buhay.


Matatandaang napaulat na nawala si Mary Grace bago ito natagpuang wala nang buhay sa basement ng gusali kung saan siya nagtatrabaho noong October 11.

Kasalukuyang nasa Barangay San Roque, Macabebe, Pampanga ang mga labi ni Mary Grace at ililibing ng Sabado ng hapon sa isang pribadong sementeryo sa Macabebe, Pampanga.

Facebook Comments