Pamilya ng OFW na nagbigti sa Bansang Oman, Labis ang Paghihinagpis

*Cauayan City, Isabela*- Hindi pa rin makapaniwala ang pamilya ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Analyn “Analiza” Laman Cagurangan sa nangyaring pagpapakamatay nito matapos magbigti habang nakalive video sa bansang oman.

Pasado alas dose y media ng tanghali kanina ng dumating ang labi ng ofw sa Bayan ng San Mariano, Isabela mula sa kalakhang maynila at agad na idiniretso sa isang punerya para sa paglalagay dito sa kabaong.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan mula kay Fernando Cagurangan, dating asawa ni Analyn, blangko pa rin ito kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang dating asawa.


Ayon pa kay Ginoong Fernando, bagama’t sila’y matagal ng hiwalay ay may maganda naman silang ugnayan kaya’t labis nalang ang kanilang paghihinagpis maging ang mga anak nito sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

Matagal din ang pananatili ng kanyang dating asawa sa ibang bansa kaya’t laking gulat ng mga kaanak nito ang ginawang pagpapatiwakal ni Analyn.

Agad naming nagtungo ang tanggapan ng OWWA Region 2 sa pamilya ng OFW para tiyakin ang mga benepisyong makukuha ng pamilya lalo na ang naulilang anak nito.

Facebook Comments