Pamilya ng OFW na nasawi sa Israel, makatatanggap ng lifetime na tulong mula sa Israeli government

Makatatanggap ng lifetime benefits o tulong pinansyal mula sa Israeli government ang pamilya ng nasawing Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa digmaan sa naturang bansa.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator (OWWA) Arnel Ignacio na mabibigyan ng tulong ang pamilya ng nasawi na Pinay nurse na si Angelyn P. Aguirre.

Itinuturing ngayong bayani si Angelyn matapos piliing manatili at huwag iwan ang kaniyang pasiyente sa bomb shelter kung saan sila pinasok ng Hamas at pinagbabaril.


Ayon kay Ignacio, umaabot sa P94,000 hanggang P134,000 kada buwan ang maaaring tanggapin ng pamilya ni Aguirre mula sa gobyerno ng Israel ng panghabangbuhay.

Samantala, sinabi na rin ng consul na rin sa Israel ang nagsabing ituturing nitong isang Israeli citizen si Aguirre.

Facebook Comments