SILVER MEDAL NAIUWI NG BORACAY DRAGON FRISBEE TEAM SA WFDF WORLD BEACH ULTIMATE CHAMPIONSHIPS

Kalibo, Aklan – Naiuwi ng Boracay Dragon Frisbee Team ang pilak na medalya sa katatapos lang na WFDF World Beach Ultimate Championships na ginanap sa Huntington Beach, California, USA. Ang Boracay Dragon Frisbee Team ang kumatawan ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon na ginanap mula Nobyembre 1-5, 2023. Nakapasok sa finals team matapos talunin ang Canada sa score na 11-12 pabor sa Pilipinas. Nanguna naman ang United State of America sa nasabing kompetisyon. Samantala, pinangunahan naman ni Malay Sangguniang Bayan Member at Committee Chairman on Tourism Daligdig Yap Sumndad, ang mga atleta ng Malay, Aklan sa nasabing sports event. Ikinatuwa naman ng LGU-Malay ang tagumpay ng nasabing team.
Facebook Comments