Manila, Philippines – Umaasa ang pamilya ng Pinay na namatay sa lindol sa Taiwan na maiuuwi ang bangkay ng biktima sa lalong madaling panahon.
Unang napaulat na nawawala si Melody Albano Castro, na isang domestic helper Taiwan noon pang 2015.
Ayon sa Manila Economic And Cultural Office o MECO, nadaganan ng aparador si Castro ng mangyari ang lindol.
Problema pa ng pamilya, posibleng hindi nila matanggap ang death benefits ni Castro dahil expired na ang kanyang OWWA membership.
Tiniyak naman ng OWWA na kakausapin nila ang agency ni Castro para sa dagdag na tulong.
Facebook Comments