Biyahe ng ilang eroplano ngayong araw, kanselado dahil sa sama ng panahon

Manila, Philippines – Dahil sa masamang panahon, kanselado ngayong araw ang ilang domestic flights.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, apektado ng kanselasyon ang byaheng Manila-Tuguegarao-Manila Ng Cebu Pacific at Manila-Buasuanga-Manila naman ng CEBGO.

Payo ng mga otoridad sa mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline companies para sa rebooking o kaya refund ng kanilang binayarang tickets.


Facebook Comments