Pamilya ng PSG members, kasama sa mga unang matuturukan ng Sinopharm vaccines

Matapos gawaran ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate use ang COVID-19 vaccine na Sinopharm na ituturok sa mga kawani ng Presidential Security Group (PSG), kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na kasama rin sa mga mababakunahan ay ang kani-kanilang mga pamilya.

Ayon kay Roque, sakop ng inaprubahang compassionate use ang 10,000 doses ng Sinopharm na sosobra sa mga tauhan ng PSG.

Matatandaan noong Oktubre, nabunyag na nabakunahan na ang ilang myembro ng PSG.


Una nang sinabi ni PSG Commander Brigadier General Jesus Durante na nagpaturok ang ilang miyembro ng PSG dahil na rin sa self-preservation na handa nilang ialay ang kanilang sariling mga buhay para maprotektahan lamang ang Pangulo sa anumang banta kabilang na ang COVID-19.

Pero sa ngayon, wala pang Emergency Use Authorization ang Sinopharm at i-a-apply pa lamang nila ito sa FDA.

Facebook Comments