Monday, February 16, 2026

Pamilya ni Mary Jane Veloso, nagkasa ng protesta sa DOJ

Nagprotesta sa labas ng Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ni Mary Jane Veloso kasama ang ilang mga miyembro ng iba’t ibang grupo.

Ipanawagan ang kalagayan ni Veloso na kasalukuyan nakakulong sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Matatandaan na si Veloso ay naaresto sa International Airport sa Yogyakarta, Indonesia noong April 25, 2010 makaraang nahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa kanyang bagahe na ayon sa kanya ay niloko siya ng recruiters para dalhin ang bag.

Noong 2010 ay hinatulan si Veloso ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa ilalim ng batas ng Indonesia pero April 28, 2015 o ilang oras bago ipatupad ang pagbitay ay ginawaran siya ng last-minute reprieve ng Indonesia.

November 20, 2024 naman ng inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkasundo ang gobyerno at Jakarta na pauwiin si Veloso sa Pilipinas, upang dito ipagpatuloy ang natitirang sentensya.

December 6, 2024 naman ay nilagdaan sa Jakarta ang kasunduan ng Indonesia at Pilipinas kaya naibalik sa ating bansa si Veloso bago mag-Pasko.

Kasalukuyan naman nakabinbin sa Korte Suprema ang petition for habeas corpus ng kampo ni Veloso na kumukwestiyon sa patuloy na pagkakadetine nito sa correctional kung saan nananawagan ang pamilya nito na masilip ng administrasyon ang sitwasyon nito.

Facebook Comments