Kinumpirma ng pamilya Veloso na nailipat na si Jakarta, Indonesia si Mary Jane Veloso.
Sa panayam ng DZXL News sa ama ni Mary Jane na si Ginoong Cesar Veloso, kinumpirma nito na natuloy ang paglipat kay Mary Jane sa Jakarta mula sa Yogyakarta.
Ang paglilipat din aniya kay Mary Jane sa Jakarta ang dahilan kung bakit hindi sila natuloy sa kanilang paglipad sa Indonesia para sana madalaw si Mary Jane.
Nananatili namang blangko ang pamilya Veloso sa eksaktong petsa ng pagdating sa Pilipinas ni Mary Jane.
Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kung mapapaaga ang paglilipat kay Mary Jane sa Pilipinas, hindi na itutuloy ang pagtungo ng pamilya Veloso sa Indonesia.
Ang pamilya Veloso ay nananatiling nasa pangangalaga ng Migrante International sa Metro Manila.