Aabot na sa mahigit 25,000 mga pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ineng at bagyong Jenny.
Batay ito sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa kanilang datos, nadagdagan ng 5,000 pamilya ang naapektuhan ng dalawang bagyo kumpara sa kanilang huling monitoring.
Ang mahigit 25,000 pamilya ay namonitor sa 345 Barangay sa Region 1,2,3 at CAR.
108 sa mga pamilyang apektado ay nananatili ngayon sa 8 evacuation centers habang 67 families ay nakitira sa kanilang mga pamilya at kaanak.
Agad namang nagbigay ng ayuda ang mga taga DSWD at mga LGUs na aabot sa mahigit 8 milyong piso.
Facebook Comments